Ticker

6/recent/ticker-posts

Ad Code

Responsive Advertisement

π—”π—‘π—š π—¨π—‘π—”π—‘π—š 𝗠𝗨𝗧𝗬𝗔 π—‘π—š 𝗠𝗔π—₯π—œπ—©π—˜π—Ÿπ—˜π—¦, πŸ­πŸ΅πŸ°πŸ²πŸ‘‘



Bago pa man nagsimula ang mga makabagong patimpalak ng kagandahan sa ating bayan, mayroon nang isang MariveleΓ±a na kinilala bilang kauna-unahang Mutya ng Mariveles.
Noong 1946, isang taon matapos ang pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kinoronahan si Adela Balan Ramirez Arrieta bilang First Mutya ng Mariveles, Bataan.
Sa larawang ito na muling binigyang-buhay sa pamamagitan ng restoration at colorization, makikita ang kagandahan, tindig, at elegante ng isang Filipina sa unang mga taon ng muling pagbangon ng Mariveles matapos ang digmaan.
Ang kanyang larawan ay hindi lamang alaala ng isang beauty title. Isa rin itong mahalagang bahagi ng social at cultural history ng Mariveles, isang panahon kung kailan unti-unting bumabangon ang ating bayan mula sa pagkawasak ng digmaan at muling binubuo ng mga MariveleΓ±o ang kanilang komunidad, tradisyon, at pagkakakilanlan.
May natatanging koneksiyon din ang kanyang pamilya sa kasaysayan ng Philippine pageantry. Si Adela Balan Ramirez Arrieta ay kamag-anak ni Krista Arrieta Kleiner, na kumatawan sa Pilipinas sa Miss International 2010, kung saan nakapasok s'ya sa Top 15 finalists at tumanggap din ng mga pagkilalang Miss Talent at Miss Expressive.
Mula 1946 hanggang sa kasalukuyan, patuloy na nagniningning ang ganda, talento, at dangal ng Filipina.
Muy Bella Filipinas. Muy Bella Mariveles. πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‘‘
πŸ“· Colorized historical photograph:
Adela Balan Ramirez Arrieta
First Mutya ng Mariveles, 1946
Mariveles Historical Society
Preserving the people, stories, and heritage of Mariveles for future generations.

Post a Comment

0 Comments